Pagbubukas ng Buwan ng Wika at Exhibit sa Silid Aklatan
Correspondent: Bb. Joymefer A. Sonon (BSBM 4th Year Student)
Agosto 4, 2015 ng umaga , ganap na alas-8:00, pinasinayaan ang pagbubukas ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Kolehiyo ng STI sa Recto. Ito ay pinangunahan ni G. Amiel Niño Mercado Ilandag, Pangulo ng Business Management Society bilang "Maestro ng Seremonya" . Sinimulan ang pagdiriwang sa pagdarasal sa pangunguna ng STI College Recto Chorale at ang pagbibigay pugay sa watawat ng Pilipinas sa pamamagitan ng pag-awit ng Lupang Hinirang. Ito naman ay sinundan ng pag-awit ng Himno STI. Ang mga dumalo ay hinarana ni Ginoong Stevie Paches Obillo na miyembro rin ng Chorale at ng pangkat ng BSIT sa tradisyunal na awiting "O Ilaw".
Ang naturang pagdiriwang ay dinaluhan ng mga mag-aaral sa STI College Recto na binubuo ng lupon ng BSBM, BSIT, TEM, HRS, ACT, CS, at CCEP kasama ang kanilang mga Dalubguro. Ipinakita sa Silid-Aklatan ang mga litrato ng mga Bayani sa Pilipinas, liriko ng mga Katutubong Kanta, Pelikula ng mga Katutubong Sayaw, maging ang mga Historikal at Magagandang Lugar sa Pilipinas. Nagkaroon din ng pagkakataong magbasa ng iba't-ibang literaryong aklat sa kasalukuyan na ini-akda nina Bob Ong at Lualhati Baustista. Binigyan pansin din ang demokrasya ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Malayang Paskilan sa benyu.
Stevie Paches Obillo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento