Matagumpay na nakuha ng BM301A
ang kampeonato sa katatapos lang na patimpalak sa Sabayang Pagbigkas. Ito ay
naganap sa Silid Aklatan ng STI College Recto sa ika-25 ng Agosto sa
kasalukuyang taon. Ang programa ay dinaluhan ng mga kalahok mula sa BT501A,
BM301A at BT501P na nauna nang pinagpiliian mula sa lahat ng seksyong kumukuha
ng Asignaturang Filipino. Ang mga naging hurado ay mga panauhing propesor na
nagmula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na pinangunahan ni Propesor
Mayluck Malaga, kabilang sina Propesor Carina Nocillado at Propesor Rosielyn
Lomtong.
Ang mga naging pagtatanghal ay
puno ng emosyon, diin, at sinkronisasyon ng galaw at bigkas. Nagpasiklaban ang
tatlong lupon sa ganda at garbo ng kanilang makukulay na kasuotan, maging ang
mga dalubgurong nanuod ay di mapigilang suportahan ang kani-kanilang pambato.
Ang mga nagwagi ay ang mga sumusunod:
BM301A- Champion
BT501A- 1st Runner Up
BT501P- 2nd Runner Up
Nagkaroon ng paggawad ng
Sertipiko ng Pagkilala sa mga Hurado at sinundan ito ng pagaanunsyo kung sino
ang nagwagi sa nasabing patimpalak.
Mula sa BM Society, maligayang
bati sa ating mga miyembro! Pinatunayan nyo lamang na ang BM Society members ay
sadyang Young Achievers and Dreamers. Mabuhay ang Wikang Filipino!
Backtoback champion ang BM. Congrats.
TumugonBurahin